Lifestyle

IN PHOTOS: Carmina Villarroel through the years



Mahigit tatlong dekada na sa showbiz si Carmina Villarroel at maituturing na isa siya sa pinakakilalang artista magpahanggang ngayon.

Nagsimulang makilala sa mundo ng entertainment si Carmina noong 1986 nang mapasama sa isang fast food commercial. Makalipas ang isang taon, sa edad na 12, napasama si Carmina sa pelikulang Pinulot Ka Lang Sa Lupa kung saan ginampanan nito ang batang karakter ni Diamond Star Maricel Soriano.

Isa si Carmina sa pinakahinahangaang batang aktres noong dekada ’90 kung saan kabilang ito sa tinatawag na “Regal Babies” kasama sina Aiko Melendez at Ruffa Gutierrez.

Minsang ikinasal si Carmina kay Rustom Padilla at naghiwalay noong 1997 matapos ang tatlong taong pagsasama.

Sa ngayon, mahigit walong taon ng kasal si Carmina kay Zoren Legaspi at biniyayaan na rin sila ng kambal na anak na sina Maverick “Mavy” Peter Legaspi at Maria Cassandra “Cassy” Legaspi.

Patuloy na mapapanood ang pamilya nina Carmina at Zoren sa GMA talk show na Sarap ‘Di Ba? Bahay Edition tuwing Sabado, 10:45 a.m.

Balikan ang buhay ni Carmina Villarroel bilang isang artista at isang magulang:



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

close