Lifestyle

70-taong gulang na nanay, humihiling ng refrigerator sa GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com – Foundation

[ad_1]

By MARAH RUIZ

Pagluluto ang hilig ng 70-taong gulang na si Fermina Macallan mula sa Cavite. Nagtrabaho siya bilang isang canteen supervisor sa loob ng 13 taon. Sa kasamaang palad, naapektuhan ng pandemya ang kanyang trabaho.

“‘Yung mga gamit kong naiwan, sa laguna pa lang binebenta ko na. Marami akong gamit kasi nga nagfu-food order kami noong mga panahong ‘yun,” kuwento ni Fermina.

Sinubukan niyang magtinda on-line pero hindi sapat ang kita. Nakahanap naman ng trabaho sa Cavite ang kanyang anak pero tatlong buwan pa lang ito doon kaya nagdesisyon si Fermina na muling magtinda ng pagkain.

“Kailangan kong kumilos. ‘Yung gastos kong pambayad ng, unang una, upkeep, pangalawa itong bahay. ‘Yung mga anak ko ang inspirasyon ko. Talagang napakasaya ko noong napagtapos ko sila, sa hirap ng buhay,” bahagi niya.

Ang isang problema ni Fermina ngayon ay kawalan nila ng fridge na mapaglalagyan ng mga paninda. Dahil dito, minsan napapanis ang pagkain kapag hindi naubos.

Naglalakad si Fermina at kanyang anak para makilagay lang ng pagkain sa fridge ng kapitbahay.

 

 

Sumulat si Fermina sa GMA Kapuso Basis para humiling ng fridge, maski segunda mano.

“‘Yun ang pinakamahirap doon kasi talagang wala akong lalagyan midday,” aniya.

Sa ilalim ng Bisig Bayan Undertaking, nananawagan ang GMA Kapuso Basis ng tulong para sa fridge ni Fermina pati na pambli ng kanyang mga gamot sa hypertension.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa kanya at sa iba pang proyekto ng GMA Kapuso Basis, maaaring mag-donate on-line sa pamamagitan ng pagbisita sa official web site nito.

Maaari ring magdeposito sa iba’t ibang financial institution accounts ng GMA Kapuso Basis, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards at Metrobank bank card.

Puwede ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Basis vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart at Lazada.

 




[ad_2]

Supply hyperlink

Leave a Reply

Your email address will not be published.